Martes, Marso 5, 2013

ANG PULITIKA SA PILIPINAS






Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Maraming pulitiko na namumuno sa ating bansa na hindi karapat-dapat sa kanilang posisyon.

Isa sa sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng matinding suliranin sa korapsyong. Ito ay isang paglabag sa itinatakda ng ating batas na nangangailangan ng isang moral at tama na solusyon upang malutas.

Karaniwan na sa ating pamahalaan ang pagkakaroon ng mga namumunong ang tanging hangad lamang ay yumaman sa pamamagitan ng paggamit ng yaman ng iba, ito ang pinakamabigat na suliranin ng ating bansa. Ang makasariling pag-iimbot sa kaban ng bayan na hindi isinasaalang-alang ang kinabukasan ng ibang mamamayan ng bansa. Kung saan ang mas naapektuhan ay ang mga mahihirap. Sa ating bansa ang may kapangyarihan ay nang-aabuso at nagtatamasa ng mgabagay na dapat ay hini nila taglay.

Kung ganitong uri ng sistema ang patuloy na makikita ng kabataan anong gagawin nila? Sigaradong bawat kabataan ay mgtatanim ng galit para sa sistema.

Bakit ba may lagayan?

Bakit ba may mga panlilinlang lalo na’t salapi ang pinag-uusapan?

Bakit ba kailangan ng suhol sa bawat pagmamagandang loob?

Dahil sa patuloy sa ganitong uri ng sistema ay nawawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa gobyerno ahilan para magkaroon ng rebolusyon at iba pang klase nang pag-aaklas.

Tayo ang naglalagay ng mga pinuno sa kanilang posisyon nasa kamay ng bawat isa ang pagkakataon. Kung magiging tama an gating desisyon tayo ay mabubuhay sa bayang may tamang sistemang umiiral walang kurapsyon, may kalayaan at may katarungan. Tungkulin ng bawat isa sa ating mga Pilipino ang paglilinis sa ating gobyerno.

Magdesisyon ng tama para sa sistmeng tama.