Martes, Marso 5, 2013

ANG PULITIKA SA PILIPINAS






Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Maraming pulitiko na namumuno sa ating bansa na hindi karapat-dapat sa kanilang posisyon.

Isa sa sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng matinding suliranin sa korapsyong. Ito ay isang paglabag sa itinatakda ng ating batas na nangangailangan ng isang moral at tama na solusyon upang malutas.

Karaniwan na sa ating pamahalaan ang pagkakaroon ng mga namumunong ang tanging hangad lamang ay yumaman sa pamamagitan ng paggamit ng yaman ng iba, ito ang pinakamabigat na suliranin ng ating bansa. Ang makasariling pag-iimbot sa kaban ng bayan na hindi isinasaalang-alang ang kinabukasan ng ibang mamamayan ng bansa. Kung saan ang mas naapektuhan ay ang mga mahihirap. Sa ating bansa ang may kapangyarihan ay nang-aabuso at nagtatamasa ng mgabagay na dapat ay hini nila taglay.

Kung ganitong uri ng sistema ang patuloy na makikita ng kabataan anong gagawin nila? Sigaradong bawat kabataan ay mgtatanim ng galit para sa sistema.

Bakit ba may lagayan?

Bakit ba may mga panlilinlang lalo na’t salapi ang pinag-uusapan?

Bakit ba kailangan ng suhol sa bawat pagmamagandang loob?

Dahil sa patuloy sa ganitong uri ng sistema ay nawawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa gobyerno ahilan para magkaroon ng rebolusyon at iba pang klase nang pag-aaklas.

Tayo ang naglalagay ng mga pinuno sa kanilang posisyon nasa kamay ng bawat isa ang pagkakataon. Kung magiging tama an gating desisyon tayo ay mabubuhay sa bayang may tamang sistemang umiiral walang kurapsyon, may kalayaan at may katarungan. Tungkulin ng bawat isa sa ating mga Pilipino ang paglilinis sa ating gobyerno.

Magdesisyon ng tama para sa sistmeng tama.

15 komento:

  1. Sa palagay ko, totoo ang sinasabi mo tungkol sa mga pulitiko at sa posisyon nila. Maraming pulitiko ay mayaman at puwede sila bumili ng posisyon nila. Dapat isipin natin ang mabuting para sa lahat na tao kaysa sa ating sarili- Chrissy

    TumugonBurahin
  2. Tama ang kuro-kuro mo tungkol sa pamahaalan. Nagtataglay ang gobyerno ng maling katangian kung makasarili siya o tumatangap ng suhol. Kailangan natin, ng mga mamamayan, isang gobyerno na gusto ang pagkakapantay-pantay sa lahat.. Hindi katanggap-tanggap ang kahit ano pa. Kailangan nating ng isang pinuno o gobyerno na ibibigay ang katarungan sa bansa at buhay natin! -Michelle

    TumugonBurahin
  3. Gusto ko ang opinyon mo, magsulat ka uli. Kung boboto ka sa datating na halalan, sino ang pipiliin mo para maging pangulo?
    - Diane

    TumugonBurahin
  4. Sa palagay ko, may lagayan sa Pilipinas dahil hinahayaan natin at hindi tayo humihinto. Dapat natin isinasaalang-alang ang susunod na pinuno at ang kinabukasan ng bansa.

    - Matthew P. (Puti ako taga-Amerika.)

    TumugonBurahin
  5. Batay sa post mo may isang maaaring solusyon sa Pilipinas. Pagpalit ng batas ay ang isang solusyon para dagdagan ang kaaninawan. Puwede natin padaliin ang proseso para mag-impeach ng pinuno. Dahil kung may maraming hindi pagakakasundo, may kaparusahan at pormal proseso na puwedeng gamitin ang mga mamamayan laban sa nasusuhulang awtoridad.
    -Katrina :)

    TumugonBurahin
  6. Ang iyong mga opinyong ay tunay ngang ebidente aa ating lipunan sa ngayon. Ngunit sa kasamaang palad. Hindi lang ang lider ang ating problema. Kung hindi ang ating mga sariling pag iisip. Na hindi pa lubos na bukas sa makabayang pag iisip. At nakukulong sa mga pansariling mga pita lamang. Pilipino ang sakit ng Pilipinas.

    TumugonBurahin
  7. Ano Ang ngalan Ng Lugar na naaagaw sa Philippine sea...

    TumugonBurahin
  8. Kung magiging tama an gating desisyon tayo ay mabubuhay sa bayang may tamang sistemang umiiral walang kurapsyon.AGREED!!! Sakit.info

    TumugonBurahin
  9. Isang masakit na katotohan, isa sa malalang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy na naghihirap ang ating bansa. Hindi natin kailangan ng perpektong pinuno ngunit hiling at sigaw ng lahat ay isang matapat na pinuno, na kumikilos para sa ikabubuti ng lahat.

    TumugonBurahin
  10. mahirap ang buhay ng mga pilipino kayat nagpapadala na lamag sa pera't hindi na inaaral at binibigyang pansin ang mga nangyayari sa politiko, minsan talaga ay nagiging makasarili din tayo.

    TumugonBurahin